Pinuri ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown, ang administrasyong Marcos sa matagumpay na pagsusulong ng kaunlaran at kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ginanap na Vin d’honneur sa Malacanang nitong Miyerkules, Hunyo 12, kasabay ng ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

“In this connection, the international community supports and indeed congratulates the Philippines for the impressive progress that has been made in these years through the Bangsamoro peace process,” sabi ni Archbishop Brown.

Sa kanyang talumpati, sinaluduhan ni Brown si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kanyang determinasyon na maisulong ang maayos na pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on Bangsamoro na nasa ika-10 taon na ngayon.

Ibinahagi din ni Brown ang kanyang pagbisita sa Jolo kamakailan kung saan aniya, naramdaman niya na buhay na buhay ang pag-asa ng mga residente sa isla ng Tawi-tawi.
Sa harap ng 84 na kasapi ng Diplomatic Corps na dumalo sa okasyon, ipinahayag din ni Brown ang kanyang suporta sa nalalapit na BARMM parliamentary elections.

Ulat ni T. Gecolea