Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pormal na pagbubukas ng “Pampamahalaang Programa at Serbisyo” sa Liwasang Rizal sa Manila nitong Lunes, Hunyo 10 kaugnay sa 126th Independence Day celebration ng Pilipinas sa Miyerkules, Hunyo 12.
“Tayo ay nagtitipon upang buksan sa publiko ang mga programa at serbisyo ng nagkakaisang pamahalaan. Layunin ng programang ito na ilapit sa ating mamamayan ang mandato ng bawat ahensiya upang malaman nila kung saang ahensiya sila pupunta kapag nangangailangan ng serbisyo,” sabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes.
Tatlomput siyam na ahensiya ng gobyerno at dalawang non-government organizations ang makikibahagi sa dalawang araw na selebrasyon kasabay ng pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan.
Ang MMDA booth ay mag-aalok ng free registration para sa Motorcycle Riding Academy, mobile earthquake simulator, anti-smoking campaign, at solid waste management.
Tutulong din ito sa mga inquiries tungkol sa mga beripikasyon ng mga traffic violations at pagbayad sa multa.