Nagbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6 ng kabuuang P1,856,652 halaga ng pagkain at non-food items sa mga pamilyang apektado ng “phreatic eruption” ng Kanlaon Volcano sa Negros Island noong Hunyo 8.

Nagbigay ang DSWD-6 ng P1,856,652 na halaga na mga pagkain at non-food items sa mga pamilyang apektado ng Bundok Kanlaon sa Negros Island. Ang tulong na ito ay umabot sa 1,650 na pamilya.

Ang karamihan sa mga pamilya na ito ay galing La Castellana sa Negros Occidental habang 1,177 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers sa naturang munisipalidad.

“We, at DSWD Region 6, are continuously helping families affected by the eruption of Mt. Kanlaon. Along with our counterpart in Negros Oriental under DSWD Region 7 and local government units, we want to ensure the families are safe and provided with their basic necessities,” ani DSWD-6 Regional Director Carmelo Nochete.

Ulat ni Benedict Avenido