Sa kanyang talumpati sa Blue Nations – France and Philippines: Partners for the Oceans nitong Miyerkules, Hunyo 5, ipinagmalaki ni Sen. Loren Legarda sa mga foreign participants na nakikiisa ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa upang maproteksiyunan ang karagatan at yaman dagat sa buong mundo.
“The leadership of coastal nations is crucial for the protection of our oceans—those who experience the sands of Deauville in France, the Arribada in Tamarindo in Costa Rica, and the seaside cliffs of Palawan know full well what it means to love the sea,” sabi ni Legarda.
“These are but tiny examples of the vast, life-sustaining bodies of water that cover over 70% of our planet, which not only provide us with essential resources but also regulate the Earth’s climate and support diverse marine life,” dagdag niya.
Partikular na iniidolo ni Legarda ang Coasta Rica dahil sa malaking kontribusyon nito sa ocean conservation program sa pamamagitan ng pagpapalawak ng marine protected areas at pagsugpo sa illegal fishing sa naturang bansa.