Isang linggo bago ang Traslacion 2026, nanawagan ang EcoWaste Coalition sa publiko na panatilihing malinis at walang basura ang mga lansangang daraanan ng prusisyon.
“Let our people’s profound faith in Nuestro Padre Jesus Nazareno inspire us to be better stewards of our planet, preventing and reducing waste and not littering, a punishable environmental offense, at all times but most especially during the Traslacion, a faith-centered feast,” sinabi ni Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino.
Nitong Huwebes, Enero 1, inihayag ng grupo na kasabay ng pagdiriwang ng pista ng Nazareno ngayong Enero ang paggunita sa Zero Waste Month.
Samantala, nasa 468 at 382 toneladang basura ang nakolekta simula Enero 6–10, 2024, at Enero 8–10, 2025 sa mga isinagawang Traslacion.
Karamihan umano sa mga nakolektang basura ay mga plastic bottle na walang laman o may lamang ihi, food container, kawayan, tira-tirang pagkain, sigarilyo, at disposable vape.
Dahil dito, mahigpit na ipinatupad ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, na nagpapataw ng multang ₱300 hanggang ₱1,000 at community service sa mga mahuhuling nagkakalat ng basura.
Ulat ni Brit Cezar
