Umabot na sa P2.63 billion ang pinasala sa agrikultura na dulot ng El Niño phenomenon, ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA).
Kaugnay nito, naipamahagi na ng administrasyong Marcos ang tulong na aabot sa P1.1 bilyon sa mga magsasakang naapektuhan ng matinding tagtuyot.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture, nasalanata na ang El Niño ang 53,879 hektaryang sakahan na katumbas ng 116,792 metric tons (MT) ng maaaring maging produksyon ng bigas.
Ang pinsala ay umabot na sa 10 rehiyon na kinabibilangan ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Soccsksargen.
Tinatayang nasa 72,733 MT ng palay, 35,885 MT ng mais at 8,173 MT ng iba pang high-value na pananim ang apektado sa El Nino.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 18 siyudad at munisipyo ang nagdeklara ng “state of calamity” dahil sa epekto ng El Niño sa pagsasaka.