Magtutulungan ang gobyerno ng France at Pilipinas para sa oceans conservation na inilunsad ng Blue Nations joint initiative (BNI) ng French Embassy sa Manila kasabay ng paggunita ng World Environment Day noong Hunyo 5.
Inilatag na ang pagtutulungan ng dalawang bansa para sa United Nations Oceans Conference (UNOC3) sa Nice, France sa Hunyo 9 hanggang 13 sa taong 2025.
Sa kanyang talumpati sa launch event, binigyang-diin ni Sen. Loren Legarda na kailangang doblehin ng iba’t ibang bansa ang pagsisikap na mapanatiliin ang integridad ng yamang dagat, sa kadahilanang mas nagiging-malalim ang kamalayan ng mga tao sa ang lawak ng pinasala sa kapaligiran, lalo na sa mga karagatan.
“As one of the countries with the largest coastlines, approximately 36,300 kilometers in length, the Philippines needs significant resources and effort to help secure its marine life,” pahayag ni Sen. Loren Legarda, author ng Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) law.
“We have begun to measure what we treasure and made great strides in keeping waste from reaching our seas. But we need a much greater push and a universal understanding of these goals to allow us all to push together to achieve Sustainable Development Goal 14,” dagdag ni Legarda.