Sinabi ng Cebu City Acting Mayor Raymond Alvin Garcia naniniwala siya na ang isang diplomatikong diskarte sa pagtugon sa mga isyu ay maaaring magbunga ng mas magandang resulta sa pamamahala ng siyudad.
“I don’t think there is really any change in policy direction,” ani Garcia tungkol sa hindi niya pagiging kuntento sa direksyon ng pamumuno ni Mayor Michael Rama.
Ipinahayag kamakailan ni Rama ang kanyang mga alalahanin sa publiko tungkol sa mga pagbabago sa “mga patakaran at direksyon” sa loob ng City Hall, na nagsasabing siya ay “nababagabag” sa mga pagbabago sa stilo ng pamamahala.
“Kami ni Mayor Mike pareha jud mi’g policy direction. Unsa man na nga policy direction?…Kaayohan sa Syudad sa Sugbo. I think lang ang amo lang kalahian is the approach of how to deal with concerns and issues in the City Government,” saad ni Garcia.
Ulat ni Benedict Avenido