Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa paligid ng Mt. Kanlaon na ingatan ang kanilang kalusugan at proteksiyunan ang sarili laban sa makapal na usok at abo na ibinubuga ng aalburotong bulkan.
“Protect your lungs from ashfall and any noxious gases. Close doors and windows; use wet curtains or clothes to cover any gaps where ash and gases could enter. Wear face masks properly or use a wet cloth to cover your nose and mouth,” ayon sa advisory ng DOH.
“Protect your eyes from ashes and dust. Wear safety goggles if available. Do not use contact lenses; switch to glasses for now. Do not rub your eyes; if irritated, rinse them with clean lukewarm running water,” dagdag ng ahensiya.
Inabisuhan din ng Departamento ang mga residente na hugasan ng maigi ang kanilang pagkain at sumunod sa lokal na pamahalaan sakaling magutos ito ng voluntary o forced evacuation kapag lumala ang sitwasyon sa Mt. Kanlaon.