Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mabilis na pagkilos ng mga ahensiya ng pamahalaan sa naganap na pagputok ng Kanlaon Volcano sa Negros, agad na ikinasa ni House Speaker Martin Romualdez ang paglalaan ng P40 milyong halaga ng ayuda mula sa Speaker’s Assistance Fund para sa mga residente sa paligid ng nagaalburutong bulkan.
“These funds will provide much-needed support to affected residents in Negros Oriental and Negros Occidental, ensuring they have the resources to cope with the disruptions caused by the eruption of Kanlaon Volcano,” sabi ni Romualdez.
Sinabi ni Romualdez na agad na nakipagkoordinasyon ang kanyang tanggapan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) na maglaan ng tig-P20 milyon mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP0 at Tulong sa Panghanapbuhay sa Ating Disadvanted/Displaced Workers (TUPAD).
“These funds will provide much-needed support to affected residents in Negros Oriental and Negros Occidental, ensuring they have the resources to cope with the disruptions caused by the eruption of Kanlaon Volcano,” saad ng lider ng Kamara.
Sinabi pa ni Romualdez na ang mga naapektuhang residente ay mula sa unang distrito ng Negros Oriental, na kinakatawan ni Rep. Jocelyn Limkaichong, at ikaapat na distrito ng Negros Occidental ni Rep. Juliet Marie de Leon Ferrer na kapwa makatatanggap ng p10 milyon mula sa AKAP at P10 milyon mula sa TUPAD.