Binalaan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) ang mga civilians na sumailalim sa kanilang executive riders training laban sa hindi awtorisadong paggamit hindi lamang ng HPG insignia ngunit maging ang mga sticker ng “Rider,” “Master Rider,” at “Tiger” dahil ito ay esklusibo lamang para sa kanilang organic personnel.
“This is to remind all Alumni of the HPG MCRC/EMCRC that Article 179 of the Revised Penal Code prohibits the use of HPG Insignia. Thus, the RIDER, MASTER RIDER, TIGER CUSTOM PLATES/STICKERS should not be used on any private/personal vehicles/motorcycles!” ayon sa post ng PNP-HPG.
Ang mga ganitong uri ng stickers ay karaniwang nakikita sa mga big bikes gamit ng mga sibilyan na karaniwang lumalabag sa traffic laws.
Bukod sa stickers sa motorsiklo, ilegal na ginagamit din ng civilian big bikers na nagtapos ng EMRC training ang HPG insignia sa kanilang riding jacket.
Sinabi ng PNP-HPG na posibleng patawan ng parusang aresto mayor o pagkakakulong ang mga lalabag.
“These logos/insignias are exclusively used & placed on POLICE MARKED VEHICLES/MOTORCYCLES ONLY!” ayon sa HPG.
Ito ay matapos mahuli ang dalawang escorts ni Sen. Francis “Tol” Tolentino dahil sa ilegal na paggamit ng PNP-HPG stickers sa kanilang motorsiklo.