Pinagkukumpiska diumano ng China Coast Guard (CCG) ang pagkain at iba medical supplies na ipinamahagi ng Philippine Navy sa isang outpost sa Ayungin Shoal sa pamamagitan ng airdrop mission para sa mga sundalong Pinoy na may karamdaman.
Naganap ang insidente noong Mayo 19 kung saan nagsagawa ng airdrop para sa mga sundalong nagmamando ng BRP Sierra Madre, ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer.
Hindi naman pinangalanan ang source ng naturang impormasyon dahil hindi raw ito awtorisadong magsalita hinggil sa naturang isyu.
Ibinahagi ng source ang impormasyon ilang oras matapos iniulat ng Chinese state media na tinutukan ng baril ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre ang China Coast Guard noong Mayo 19.
Inilabas ng China Central Television sa social media ang video kung saan nakita ang dalawang lalaki habang nakatutok ang kanilang mga baril sa CCG.