Nabuking ng mga awtoridad ang pag-torture at pagkidnap sa loob ng Lucky South 99, isang pinaghihinalaang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga na sinalakay noong Martes.

“Nagpumiglas po siya, according dito, para po makatakas siya. Kasi iniwan po siya dun sa loob. Humingi po ng tulong yan,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Sa ulat ng 24 Oras, sinagip ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Special Action Force ang isang Chinese matapos itong makitang naglalakad sa labas ng compound na nakaposas sa frame ng kama na kanyang binaklas.

Bukod sa maraming pasa at sugat sa buong katawan, may black eye din ang Chinese sa kaliwang mata. Puno rin ng tuyong dugo ang damit niya. Sinabi ng pulisya na siya ay biktima ng kidnapping.

Narekober din ng mga awtoridad ang isang video na nagpapakita ng mga taong pinahihirapan sa loob ng Lucky South 99 Compound. Isang video ang nagpakita sa isang lalaking dayuhan na paulit-ulit na hinahampas ng isang retractable baton sa ulo at katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *