Inilabas ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang mga dokumento na posibleng magpapatunay ng pagkakakilanlan ng tunay na ina ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na nagngangalang “Lin Wen Yi” na umano’y incorporator sa mga negosyo ng kanyang pamilya.

“The identity of Mayor Alice’s mother is crucial to this whole saga. Kung Chinese pala ang ina, at Chinese umano ang ama, mapapatunayan na hindi nga talaga Pilipino si Mayor. Kung totoo ito, ang mas malaking tanong: bakit kinailangan niyang magkunwari? Bakit may pagtatago at pagsisinungaling?“ tanong ni Hontiveros.

“Mayor Guo’s co-incorporators in at least seven of her businesses include her siblings Shiela L. Guo and Siemen L. Guo, her father Jian Zhong Guo, and this Lin Wen Yi. Magkakamag-anak ba silang lahat? Is this one big, dubious family business?” dagdag pa ni Hontiveros.