Nagpasalamat ang Chinese Embassy Manila sa gobyerno ng Pilipinas sa isinagawang joint repatriation sa mahigit 100 Chinese nationals naaaresto sa magkakasunod na pagsalakay laban sa illegal POGO (Philippine offshore gaming operators) hub kamakailan.

“China’s resolve to combat transnational crimes, including gambling and fraud, remains unwavering,” nakasaad sa post ng Chinese Embassy Manila.

“China appreciates the assistance provided by relevant Philippine law enforcement authorities,” ayon sa statement ng Embahada ng China ngayong Sabado, Nobyembre 7.

Sa 115 Chinese deportees, 62 ang naaresto sa operasyon sa Zamboanga Sibugay habang 53 ang dinampot sa isang pinaghihinalaang illegal POGO hub na ginagamit sa scamming activities sa Quezon City, ayon sa Bureau of Immigration.

Isinakay ang mga naarestong Chinese sa isang chartered flight patungo sa kanilang bansa noong Biyernes, Nobyembre 6.

“China’s resolve to combat transnational crimes, including gambling and fraud, remains unwavering,” ayon pa sa Chinese Embassy Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *