Hiniling ng International Criminal Court (ICC) prosecutors na i-admit ang preserved testimony ng umano’y dating pulis at miyembro ng Davao Death Squad (DDS) laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang dokumentong may petsa na Nobyembre 5, hiniling ni acting Prosecutor Mame Mandiaye Niang sa Trial Chamber III na i-admit ang transcibed statements at 61 associated materials mula sa witness na si “P-0002”, na dati umanong Davao City police officer.

Kabilang sa associated materials ang ilang handwritten notes, affidavits, mga larawan, apat na organizational charts ng umano’y DDS structure, public service record, at iba pang official documents.

Hindi tulad ng mga naunang hiling ng Office of the Prosecutor sa ilalim ng Rule 68, nakabatay ang kahilingan na ito sa Article 69(4) ng Rome Statute.

Nakasaad sa probisyong ito na maaaring magpasya ang korte kung tatanggapin ang isang ebidensiya batay “relevance or admissibility of any evidence.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *