“Kung binigyan sila ng 30 days to present evidence for four articles [of impeachment], reasonable that they should be accordingly decreased now considering isa na lang ang [article]. It cannot be na 30 days pa rin ang gugugulin nila para sa pagprisinta ng isang ebidensya na lang,” giit ni prosecution counsel at House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr.
Iginiit ni Tolosa na dapat bawasan ang bilang ng trial dates ng kampo ni Vice President Sara Duterte para sa presentasyon ng kanilang mga ebidensiya sa impeachment trial.
Ayon kay Tolosa, 30 trial dates ang inilaan sa depensa sa pre-trial order para sa apat na impeachment articles, ngunit dahil isa na lamang ang article na inihain ng prosekusyon, nararapat umanong bawasan din ang araw na ibibigay sa depensa.
“To recall, isa sa main reasons bakit namin napagpasyahan na i-drop na ‘yung ibang articles: para malimitahan ‘y’yung ability for the other camp to delay this proceeding,” giit pa ni Tolosa sa Saturday News Forum ngayong araw, Nobyembre 7.
