Hinamon ng private prosecutor na si Atty. Lorna Kapunan si Vice President Sara Duterte na maglabas ng “resibo” tungkol sa perang natanggap ng Cale88 Food Corporation, na pagmamay-ari umano ng asawa ni VP Sara na si Atty. Mans Carpio.

“Madam Vice President, saan ang resibo? P776.64 million. Explain n’yo, Madam VP, pumasok ba ito sa Cale88 talaga? At sa P776.64 million, totoo ba na P319 million ay galing sa China at Hong Kong, Madam Vice President? Sagutin n’yo po ‘yan,” ani Kapunan.

Sa kanyang presentation nitong Nobyembre 6, hiniling ni Kapunan na ipaliwanag ni VP Sara ang kabuuang P776.64 milyon pondo mula sa ibang bansa na natanggap ng Cale88, kabilang ang P319 milyon mula sa China at Hong Kong.

“Kanino talaga ang mga company niya? Tapos ang remittances, saan galing ang pera at nasaan ang papeles? ‘Yan ang tatanungin natin. Saan galing ang pera at nasaan ang papeles? Resibo, resibo, resibo,” sabi ni Kapunan.

Sa kabuuang P776.64 milyon, ang P319 milyon ay mula umano sa China at Hong Kong, habang ang P195.46 milyon padala naman mula sa 10 kumpanyang galing sa mainland China.

“At sa Cale88, ang kapital ay P125K lang, saan galing ang perang pumasok? Bakit humingi ng paliwanag ang bangko? Kasi ‘di ba na-flag as suspicious transactions itong remittances? Anong sagot n’yo at bakit wala kayong maibigay na sagot?” mensahe pa ni Kapunan sa kampo ni VP Sara.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *