Inaprubahan na ng Ministry of Justice ng Timor Leste ang extradition request para kay dating Negros Oriental congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves na nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal sa Pilipinas, ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesman Assistant Secretary Mico Clavano.
“Preparations are on the way, hinihintay pa naming ang Court of Appeals doon sa Timor Leste dahil ipinasa ng Ministry of Justice ang ating request sa CA,” pahayag ni Clavano.
Subalit sinabi ni Clavano, hindi pa rin agad na maipapatapon pabalik sa Pilipinas si dating Negros Oriental congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves dahil umapela pa ang kampo nito sa Court of Appeals sa Timor Leste laban sa naging desisyon sa extradition request ng DOJ.
Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal na pinaghahandaan na ng DOJ ang pagpapauwi kay Teves sa oras magpasiya ang Timor Leste na pabalikin na ito sa Pilipinas upang harapin ang patung-patong na murder charges na na inihain laban sa dating kongresista kaugnay sa pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo noong Marso 4, 2023 at iba pang personalidad sa kanilang lalawigan.