Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 72,000 tauhan sa buong bansa para matiyak ang seguridad at kaayusan sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Tututok ang mga pulis sa mga sementeryo, columbarium, terminal, mga pangunahing kalsada at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng publiko.

“Our goal is not only to respond to emergencies but to help prevent them through vigilance, discipline, and timely intervention,” ayon pa kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

Makikipagtulungan din ang PNP sa iba pang ahensya ng gobyerno at community multipliers para pagtulungan ang mga biyahero at mapanatili ang kaayusan sa panahon ng Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *