Tinutulan ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen ang ilang probisyon ng Republic Act No. 12326 na nagpapalawig sa termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
“Our people rely on this Court’s courage to do what it should: not to give those with the power to legislate an extension a greater say than our electorate in who should govern,” giit ni Leonen.
Dagdag pa niya, nilalabag ng mga probisyong ito ang karapatan ng mga Pilipino na bumoto.
Sa kanyang opinyon, dapat aniyang ituloy ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa orihinal na nakatakdang petsa, habang ang bagong limang taong termino ay dapat lamang ipatupad sa mga susunod na mahahalal na opisyal at hindi sa mga kasalukuyang nakaupo.
“I urge this Court to do better and protect the sacred fundamental covenant of suffrage. We owe the people that much,” pahayag pa ni Leonen.
