Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na naghain sa kanilang tanggapan ng reklamong cyber libel si former National Security Adviser Clarita Carlos laban kay Rear Admiral Jay Tarriela at Lt. Gen. Michael Logico nitong Oktubre 23.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na personal na nagtungo si Carlos sa tanggapan ng NBI para magsampa ng reklamo laban kina Rear Admiral Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) for the West Philippine Sea (WPS), at Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Michael Logico tungkol sa kanilang bangayan sa panghihimasok ng China sa WPS.

Binatikos din nina Tarriela at Logico si Carlos dahil sa diumano’y pagpabor kay Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan kasunod ng kontrobersiyal na pahayag ng envoy na kaya ng China “to use force” upang talunin ang Pilipinas kung gugustuhin nito.

Ipinagtataka rin ni Tarriela kung bakit sa kanya itinuon ni Carlos ang galit nitoi sa halip na kay Jing.

“Tinuruan ako ng aking mga magulang na huwag magsalita ng masama laban sa matatanda. Pero since nagmumura na si lola, let me respond,” banat ni Tarriela kamakailan.

Sinabi ni Matibag na ipatatawag niya sina Tarriela at Logico upang ihayag ang kanilang panig tungkol sa mga alegasyon ni Carlos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *