Mahigit 20 bangka na lulan ng mga Pinoy na mangingisda ang makikibahagi sa collective fishing expedition sa West Philippine Sea (WPS) sa lugar ng Zambales ngayong Huwebes, Mayo 30, para igiit ang kanilang mga karapatan sa gitna ng unilateral fishing ban na ipinatutupad ng China sa South China Sea (SCS).
“There is no better way to assert fishing rights in our exclusive economic zone than to conduct a collective economic activity,” pahayag ni Ronnel Arambulo, vice chairman ng PAMALAKAYA.
Ang fishing expedition gaganapin sa layong 20 hanggang 30 nautical miles mula sa bayan ng Masinloc, ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA).
Isang send-off mass ang isasagawa alas-3 ng hapon bago magsimula ang paglalayag ng mga kalahok na bangkang pangisda dakong alas-4 ng hapon at ito ay susundan ng fishing expedition, sabi ng grupo.
Sa Biyernes, Mayo 31, ng alas-6 ng umaga, babalik sa pampang ang mga kalahok na bangka.