Ipinagmalaki ng Metro Pacific Tollways South (MPT South), na matagumpay na pagdaraos ng Biyaheng South Summer Tour 2024 na nagpalakas ng turismo at ekonomiya ng mga lugar Cavite at Laguna.
“The Biyaheng South Summer Tour 2024 perfectly embodies our commitment to connecting people to the rich cultural and historical heritage of Cavite. By leveraging our expressway network, we aim to provide unparalleled access to these hidden gems and enhance travel experience for all Filipinos,” ani Arlette Capistrano, MPT South vice president for communications.
Naging ka-partner ng MPT South para sa naturang tourism adventure campaign ang Department of Interior and Local Government Region 4-A at Cavite Tourism Office. Nakibahagi rin ang Chery Auto Philippines sa isang two-day summer road trip kung saan naging tampok ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) bilang isa sa pinakamodernong toll facilities sa bansa.
Naging aktibo sa Summer Tour ang mga sikat na content creators na sina Joseph Verallo, Carla Obispo (Travel with Karla), Darwin at Hershey (DarSheyGoesTo), Mark Liveta at Gael dela Rea (All About Cavite), Nani Ocampo (Hello Eats Nani), Editha at Kristian (Lakwatsero Caviteno), Darren Antones (Dabyahero), Em Suringa (KaEmtayo), Jen Sapida-Ocampo (The Social Momdia), Jayvee Manabat (Travel ni Bes), Eric Bernardo (Hungry Byaheros), at Bradley Bedrus (Aliventures).
Binigyan din ng pagkakataon ang mga participants na bisitahin ang mga historical sites ng Cavite at Laguna at nakibahagi rin sa mga recreational activities sa magagandang farm at summer camps.