Napatay ng tropa ng pamahalaan ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang nasasam naman ang isang baril at improvised explosive device (EID) sa naganap na bakbakan sa Barangay Butilen, Datu Salibo, Maguindanao del Sur nitong Sabado, Mayo 25, ng hapon.
Ayon sa ulat ng 6th Infantry Division, nagsasagawa ng combat patrol operations ang mga elemento ng Joint Task Force (JTF) Central nang matiyempuhan ang malaking grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Butilen.
Agad na nagkaroon ng palitan ng putok ang dalawang grupo na nagtagal ng limang minute na ikinasawi ng isang BIFF member na inabandona diumano ng kanyang mga kasamahan.
Nabawi ng mga sundalo sa lugar ng enkuwentro ang isang caliber 45 pistol na may limang magazine at isang cellphone.