Inaprubahan na ng Board of Investments (BOI) ang aplikasyon para sa pagpaparehistro ng ₱2 bilyong dairy farm at processing facility sa Laguna ng Metro Pacific Group, sa pagmamay-ari ni Manny V. Pangilinan.
“We at the BOI are excited about the introduction of advanced dairy farming technology, which promises to deliver superior quality and production efficiency while significantly boosting local dairy and plant-based beverage production,” sabi ni Trade Undersecretary at BOI managing head Ceferino Rodolfo.
Sa paunang gastos na mahigit ₱2 bilyon, sinabi ng BOI na magsisimula ang operasyon ng pasilidad sa Marso sa susunod na taon, na tutulong sa bansa na makamit ang seguridad sa pagkain at matugunan ang tumataas na pangangailangan para sa iba’t ibang mga opsyon sa pagkain.
Ang pasilidad ay magkakaroon ng 1,000 baka na may produksyon ng 6.5 milyong litro ng raw milk.
“This initiative is a crucial stride toward enhancing our food security and reducing our dependency on imported milk. Achieving greater self-sufficiency in our dairy supply likewise ensures that Filipino consumers have access to fresh, high-quality local products,” dagdag ni Rodolfo.