Nagpasalamat ang Maynilad, bahagi ng MVP Group of Companies ni Manny V. Pangilinan, sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at NWRB sa pagpapanatili ng raw water allocation sa 50 cubic meters per second (CMS) nitong Mayo 1 hanggang 15.
Una nang hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na panatilihin ang 50 CMS na alokasyon nito mula sa Angat Dam, na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ng Rizal, at ilang bahagi ng Cavite at Bulacan.
Sinabi ng Maynilad na dahil sapat ang alokasyon, walang magiging service interruptions sa loob ng West Concession, maliban sa scheduled at emergency maintenance activities.
Gayunpaman, nagbabala ang Maynilad na ang pagtaas ng demand ng tubig ay maaaring humantong sa mas mababang presyon ng network sa kabila ng patuloy na alokasyon na ito, maliban kung ang mga mamimili ay nagtutulungang sa pagtitipid sa kanilang pagkonsumo ng tubig.
“Even before the El Nino phenomenon set in last year, we have been developing alternate water sources to augment the growing water requirement of customers. These alternate sources are now being fully utilized, so we ask consumers to also reinforce this effort by using water wisely,” saad ni Maynilad Corporate Communications head Jennifer Rufo.