Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules, Mayo 1, na isa hanggang dalawang tropical cyclone ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Mayo.
“Sa unang scenario po ay posible po itong lumapit ng ating kapuluan bago ito mag-recurve papalayo ng ating bansa,” saad ni PAGASA weather specialist Rhea Torres.
Sa ikalawang senaryo, sinabi ni Torres na maaaring tumawid ang tropical cyclone sa Eastern Visayas, Bicol, Mimaropa, at ilang bahagi ng Luzon.
“Yung second scenario naman kung mas mababa po yung entry point ng bagyo or mabuo po ito sa may eastern section ng Mindanao posible po itong tahakin ang bahagi po ng Eastern Visayas, Bicol Region, Mimaropa, at ilang bahagi ng Calabarzon bago po ito lalabas sa may WPS at magre-recurve po ulit palayo ng ating kapuluan,” dagdag pa ni Torres.