Pinatawan ng Taguig City Regional Trial Court ng parusang habambuhay na pagkabilanggo ang modelong si Deniece Cornejo, negosyanteng si Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay sa naganap na pambubugbog sa actor/TV host Vhong Navarro noong Enero 22, 2014.

Pinatawan ng Taguig City Regional Trial Court ngayong Huwebes, Mayo 2, ng parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo para sa modelong si Deniece Cornejo, negosyanteng si Cedric Lee at dalawang kasamahan nila, na sina Ferdinand Guerrero at Simeon Raz, matapos mapatunayang guilty sa kasong serious illegal detention for ransom.

Si Navarro ay binugbog na grupo ni Lee matapos akusahan ni Cornejo ng panggagahasa sa kanyang condominium noong Enero 22, 2014

Agad na nagutos ang korte na i-commit sina Cornejo at Raz, na kapwa nasa korte nang ibaba ang hatol, sa New Bilibid Prisons (NBP) habang naglabas naman ng arrest warrant laban kina Lee at Guerrero na hindi na dumalo sa mga pagdinig sa kaso matapos maglagak ng piyansa noong Abril 2014.