Nabanggit ng singer-songwriter na si Ice Seguerra sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ na madalas pinag-uusapan nila ng kanyang asawa na si Liza Diño ang pagkakaroon ng same rights para sa mga heterosexual couples tulad sa ibang bansa.
“We’ve built a life together, and it’s so weird that business partners have more rights than couples like us na pareho naman, ‘di ba? Pareho naman kaming nagbabayad sa bahay,” sabi ni Ice.
Matatandaan na nag-isang dibdib sina Seguerra at Diño sa simbahan sa Estados Unidos noong Disyembre 2014.
Diniin pa ni Ice, importante na makilala ng gobyerno ang karapatan ng same-sex couples. “Hindi puwedeng dahil sa mga beliefs, eh, iiisang tabi n’yo ‘yung karapatan din ng marami sa atin.” sabi pa niya.
Aminado si Ice na mahirap para sa kanya ang i-check ang ‘single’ marital status sa mga kanyang personal information dahil ikinasal sila ni Diño.
“Alam ko may asawa ako eh. Bakit kailangang single ko i-tick?” tanong pa ni Ice.
Ulat ni Jilliane Libunao/Intern