Ilang araw matapos tanggapin ang kanyang Global Fashion Influencer of the Year award sa ginanap na 2024 EMIGALA Fashion & Beauty Awards sa Dubai, bumida naman si Pia Wurtzbach sa cover ng fashion magazine na Grazia Singapore.

Sa special feature ni Pia Wurtzbach sa Grazia Singapore, ikinuwento niya ang mga hirap na kanyang pinagdaanan gayundin ang mga tagumpay na naibunga ng mga ito, gayundin ang mga plano niyang gawin sa mga susunod na taon.

Sa interview, sinabi ng dating Miss Universe na may malaking responsibilidad na kaakibat ang pagiging isang public figure.

“We should be using our influence for good and amplify important messages together. Celebrities have a powerful voice that can encourage others to also speak up for what matters. Together, we can create a better world for everyone,” sabi ni Pia.