Nagreklamo ang mga residente ng dalawang purok sa Baranagay Rizal, Silay City sa Negros Occidental, sa diumano’y health hazard dulot ng alikabok na nagmula sa isang kalapit na solar farm ng Citycore Renewable Energy Corporation.
Iniinda na ng dalawang buwan ng mga residente ng Hda. Maria 1 at Hda. Maria 2 ang alikabok na nagmumula sa solar farm ng Citycore Renewable Energy Corporation.
Saad nila ay sinabi na nila ito sa management ng kompanya kasama ang mga opisyal ng Silay City at opisyales ng Barangay E. Lopez at napagdesisyunan nila na ang kumpanya ay hindi sila mag tatrabaho kung hindi nila gagawan ng aksyon ang alikabok.
Sabi pa ng isang residente ay may sakit sa baga ang kanyang ina at nagpapalala pa nito ang alikabok na nalalanghap nito ay halos makain na din nila. Tuloy parin daw ang operasyon ng kumpanya sa kabila ng kanilang pagkasunduan ng mga residente.
Nagsimula ang groundbreaking ceremony ng Citicore Renewable Energy Corporation ng kanilang solar plants noong Pebrero 20.
Wala pang tugon ang Citicore Renewable Energy Corporation tungkol sa isyu na ito.
Ulat ni Erika May Lagat/Intern