Magsisimula na ang operasyon ng bagong inilunsad na Bangsamoro Airways mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Miyerkules, Abril 24.
Magsasakay ng mga pasahero ang Bangsamoro Airways ang mainland BARMM sa mga katabi nitong lalawigan na pinaniniwalaang magpapasigla ng ekonomiya at turismo sa rehiyon.
Ayon kay Mohammed Pasigan, chairperson ng Bangsamoro Board of Investments, ang mga rutang dadaanan ng Bangsamoro Airways ay sa Zamboanga City at Sulu.
Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga upuan sa bawat eroplano ng Bangsamoro Airways ay para sa 10 katao lamang, kasama na ang mga piloto.
Palalawigin ang serbisyo ng panibagong airline sa Sibutu at Mapun sa Tawi-tawi pagkaraan ng tatlong buwan. Pagkatapos naman ng isang taon ay aabot din ang serbisyo ng Bangsamoro Airways sa Kota Kinabalu, Malaysia.
Ulat ni Jilliane Libunao/Intern