Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules, Abril 24, na hindi pa tiyak na ipatutupad ang planong magkaroon ng exclusive motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA.
“Hindi pa naman po decided ang DOTr. We’re talking about EDSA alone. We’ll study it one road at a time, Siguro sisimulan lang muna natin sa ESDA dahil 170, 000 po ang motor na dumadaan sa EDSA everyday,” pahayag ni MMDA chairman Romando Artes.
Sa isang news forum sa Maynila, sinabi ni Artes na hindi bagong ideya ang motorcycle lane sa EDSA, isa lamang ito sa mga panukala para maibsa ang tumitinding traffic sa Metro Manila.
“Marami kaming proposal, ganon din ang DOTr na underutilized yung bike lane. Dati na kasing may motorcycle lane diyan pero nasa gitna,” sabi pa ni Artes.
Sa aming datos 1,500 lang ang nagbibisikleta, ang gumagamit ng EDSA bike lane everyday at kung makikita ‘nyo yung lane configuration, isang lane po yan hinati sa gitna yung kalahati ginawang exclusive bike lane yung kalahati hindi na-u-utilize na hindi ko din maintindihan kung bakit yung ating nagmomotor don nagsusumiksik sa bike lane,” ani pa ni Artes.
“Kailangan natin aralin dahil may opposition po sa grupo ng nagbibisikleta kaya kailangan balansehin natin yung interest ng bicycle groups, motorcycle groups kung ano po yung makabubuti sa lahat,” dagdag pa ni Artes.