Tumaas ng halos 205 porsiyento ang multa na nakolekta mula sa mga lumalabag sa traffic regulations sa Metro Manila sa first quarter ng 2024 kumpara sa panahon noong 2023, sinabi ngLand Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ngayong Lunes, Abril 29.

Sinabi ng LTO-NCR na umabot sa P26,498,535 ang kinita ng gobyerno mula sa mga traffic violations mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Iniulat ng ahensiya na 10,488 motorista ang nahuli dahil sa mga paglabag sa trapiko, na mas mataas kumpara sa 3,662 noong 2023, ayon pa rin sa LTO-NCR.

Karamihan sa traffic violations ay hindi rehistradong sasakyan at pagmamaneho ng mga sasakyan na may sira o hindi maayos na mga kagamitan, kasangkapan, at aparato.

Ang iba pang karaniwang paglabag ay ang pagmamaneho habang nakasuot ng tsinelas, walang OR/CR, walang ingat na pagmamaneho, pagmamaneho nang walang valid license, ignoring traffic signs, at traffic obstruction.