Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagtatrabaho sa mga contract of service (COS) at job order (JO) employees sa mga tanggapan ng pamahalan na dapat ay magtatapos ngayong Disyembre 2024.
Ang CO employees ay mga indibidwal na may kontrata ng pamahalaan na naatasan na gumawa ng isang proyekto o aktibidad samantalang ang mga JO workers ay iyong mga manggagawa na pakyawan ang trabaho o kaya ay pabugso-bugso depende sa gawain o kapag may emergency lamang.
Sinabi ni Pangulo ito matapos konsultahin ang mga opisyal ng Department of Budget and Management, Department of Interior and Local Government, Civil Service Commission at Commission on Audit na ginanap sa Malacañang noong Miyerkules, Abril 24.
Inatasan ni Marcos ang mga ahensiya ng pamahalaan na tumulong sa pagbibigay ng skills at knowledge training para sa mga COS at JO employees upang sila ay makapasa sa civil service examination at makamit ang regular status sa government offices.
Ang layunin nito ay para makatulong na magkaroon ng plantilla positions ang mga nasabing workers sa pamahalaan.
Idinagdag ni Pangulo na gusto rin niyang magkaroon ng komprehensibong na pag-aaral tungkol sa kalagayan ng mga manggagawa ng pamahalaan kabilang ang mga COS at JO status.