Hinihimok ni Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang mga may-ari ng business establishments na kumuha ng mga “fit-to-work seniors” para magamit ang kanilang talento at makatulong na maibaba ang kahirapan sa bansa.

“Many seniors in their 60s still want to and can work. It is a matter of matching them with the right companies with solid corporate social responsibility programs,” ani ni Ordanes.

“If each of the 148 cities of the country can produce 1,000 jobs for seniors in a year, that is already 148,000 jobs created, even if only for temporary six-month periods. If each of the 1,486 municipalities creates at least 50 jobs for seniors, that is another 74,300 new jobs,” saad pa ng kongresista.

Inihayag ito ni Ordanes, chairman ng Special Committee on Senior Citizens, kasunod ng paglabas ng resulta ng Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research, kung saan bumaba ang self-rated poverty sa unang quarter ng 2024.

Batay sa survey, nasa 42 porsiyento o humigit-kumulang 11.1 milyong pamilyang Pilipino ang itinuturing na mahirap.