Limang libong trabaho mula sa industriya ng consumer products ang inaasahan na malilikha bunga ng European investments, ayon sa pahayag ng EMS group, isang provider ng recruitment at engineering services para sa mga foreign-based companies.
“Successfully, we were able to attract a couple of big investors in the Philippines. So, we’re in the process now of finalizing their entry into the Philippines,” sinabi ni EMS Group Chariman at CEO Ferdinand Ferrer.
“This will be big. You know, our advocacy in EMS is about creating jobs. And this one will probably create 4,000 to 5,000 jobs just for this one company,” sinabi ni Ferdinand A. Ferrer, Chairman at CEO ng EMS Group Ferdinand Ferrer noong nakaraang Biyernes, Abril 5.
Ang pagkakaroon ng investments na ito ay dahil sa pakikipagsosyo ng EMS sa mga investors.
Ang EMS ay mayroong itinayong malaking planta sa Batangas na nagsasagawa ng mga consumer products para sa mga kababaihan. Inaasahan na ang magkaroon ng internasyonal na katibayan ang grupo ng EMS para sa pagsisimula ng operasyon nito sa first quarter ng 2025.