(Photo courtesy DFA, Republic of the Philippines)
Highly Successful ang naging paglalarawan ng iba’t ibang sektor sa ginanap na fashion showcase na bunga ng collaboration ng gobyerno Pilipinas at Japan sa Osaka, Japan kamakailan.
Napagalaman na ang bonggang fashion exhibit, na isinagawa sa Conrad Osaka Hotel, ay bahagi ng selebrasyon ng Philippine Independence Day celebration noong Hunyo 12 sa Japan.
Sa naturang okasyon, ipinakita rin ng dalawang bansa ang ilang piling artworks na bahagi ng “TAYO Fashion Showcase”.
Ang proyekto ay pinangunahan ng Philippine Consulate General sa Osaka. Ibinandera sa exhibit ang mga stylish wear na likha ng mga fashion icon mula sa Pilipinas gaya ng Feanne, Ken Samudio, Joyce Makitalo, Pamela Madlangbayan at Kate Torralba. Nakibahagi rin ang mga top fashion brands ng Japan tulad ng Haruka Hirai at kkbkkj Collection.
“The TAYO Fashion Showcase is a testament to the power of fashion as a universal language that transcend borders. It is a celebration of our shared heritage, creativity and the enduring friendship between the Philippines and Japan,” paliwanag ni Philippine Consulate General Voltaire D. Mauricio.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mahigit isang daan ang dumalo sa fashion event, kasama ang mga miyembro ng consular corps, business leaders, at iba pang stakeholders ng fashion industry mula sa dalawang bansa.