Mas makikilala ng mga Pilipino ang yumao at iconic British actress-humanitarian na si Audrey Hepburn sa ‘Intimate Audrey,’ isang exhibit na inorganisa mismo ng kanyang anak na si Sean Hepburn Ferrer.
Bubuksan sa publiko ang exhibit sa Hulyo 31, sa S Maison sa Pasay City.
Ayon kay Ferrer, tampok sa ‘Intimate Audrey’ ang ilang detalye sa buhay ng kanyang ina, na hindi pa naibubunyag sa mga memorabilia ng screen icon, na itinuturing na isa sa may pinakamagagandang mukha sa film industry.
“Audrey Hepburn is not found in things. She’s found in writings, in photographs, in wonderful videos. I wanted to do something that was, you would walk out and have this wonderful confirmation that the woman you suspect was that way really was,” sinabi ni Ferrer sa isang live interview sa kanya ng media hinggil sa nalalapit na rare exhibit.
Kabilang sa highlights ng naturang exhibit ang mga liham, talumpati, clippings, at videos na magpapakilala kay Hepburn, hindi lamang bilang aktres kundi bilang isang tunay at ordinaryong nilalang.
Tampok din sa exhibit ang section na ‘Audrey: An Homage from Filipino Fashion,’ na nagpapakita kung paanong naging inspirasyon ang buhay ni Hepburn ng ilan sa pinakamagagaling na designers sa bansa.
Sino si Audrey Hepburn?
Audrey Kathleen Ruston (Mayo 4, 1929 – Enero 20, 1993) ang tunay na pangalan, ang premyadong aktres ay nagmula sa mayamang pamilya sa Belgium.
Sa kanyang makasaysayang pagganap sa ‘Roman Holiday’ (1953), humakot si Hepburn ng mga prestihiyosong awards: Academy Award for Best Actress, BAFTA Award for Best British Actress in a Leading Role, at Golden Globe Award for Best Actress-Motion Picture Drama. Ito ang naging hudyat ng kanyang tagumpay bilang aktres.
Isa pa sa memorableng pelikula ng aktres ang ‘Breakfast at Tiffany’s,'”‘ isang romantic comedy na hango sa nobela ni Truman Garcia Capote. Noon din nadiskubre ang kaakit-akit na tinig ni Hepburn nang awitin niya, sa unang pagkakataon, ang classic hit ‘Moon River.’
Samantala, bukas ang ‘Intimate Aubrey’ hanggang sa Oktubre 29.