Maituturing nang isang world-class hip-hop dancer ang Gen-Z na anak ng prominenteng aktres na si Sylvia Sanchez na si Gela Atayde nang masungkit nito at kanyang grupong Legit Stand ang unang puwesto sa World Hip Hop Dance Championship 2023 prelims, na ginanap sa Phoenix, Arizona.

Binulaga ng mga batang Pinay dancers ang daan-daang kalahok mula sa 55 bansa bunsod ng kanilang matinding performance. Dahil dito, susulong na sa semifinals ang magandang dalaginding ni Sylvia at younger sis nina QC 1st Dist. Rep. Arjo Atayde at Ria Atayde, kasama ang kaniyang tropa sa dance floor.

Samantala, runner-up naman ang Legit Status crew sa Megacrew Division of the 2023 Philippine Hip Hop Dance Championship.

Hopefully, masungkit nina Gela at Legit Stand ang kampeonato.

Here, at Pilipinas Today, we are so proud of you, Gela! Keep on groovin’ and keep Pilipinas proud!