Ibinahagi ng isang businessman at owner ng ice cream shop na si Marlon Canaway na hindi na dapat ituring na ‘dirty ice cream’ ang sorbetes na inilalako sa lansangan.
“Yung ating ice cream ay napakalinis naman talaga. Kasi tinitiyak natin ang kalinisan, kasi unang-una, ang kumakain po niyan ay mga anak ko, pamilya ko at publiko.” ani ni Canaway.
Tugon niya na napapanahon na para baguhin ang kahulugan ng salitang ‘sorbetes’ dahil ang binebentang ‘dirty ice cream’ ay hindi madumi at sinisiguradong malinis ang proseso sa paggawa nito.
Paliwanag ni Marlon na priyoridad niya ang pananatili ng cleanliness sa kanyang sorbetes dahil kabilang sa kanyang mga customers ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
“Sa ngayon, mataas ang kita ng negosyo kasi mainit talaga kaya kumikita kami, kumikita ang mga sorbetero ko.” sabi pa ni Marlon.
Ulat ni Jilliane Libunao/Intern