Nakipagtulungan ang telco giant na PLDT at ang wireless counterpart nito na Smart Communications Inc. (Smart) na kapwa pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan sa SM Group para palakasin ang kanilang e-waste collection program na aabot sa 85 shopping malls sa buong bansa.
“Hopefully we should be able to divert from landfill e-waste that would have contaminated our water sources and the soil. So this is a very responsible way of collecting,” ayon kay PLDT-Smart’s chief sustainability officer Melissa V. Vergel de Dios.
Ang partnership ay inilunsad nitong Abril 22, at inihayag ang disenyo para sa mga trash bins na gagamitin sa pagkolekta ng e-waste.
Ang proyekto ay magkakaroon ng mga e-waste drop box sa SM Cyberzone at sa iba pang mga lugar, kung saan maaaring itapon ng mga tao ang kanilang luma o sirang mga mobile phone, laptop, tablet, router, cord, at chargers.
Ang nakolektang e-waste ay ibibigay sa isang pasilidad ng pagtatapon para sa paggamot at pag-iimbak.
“We might be competing in business, but in saving the environment, all of us have to work together,” dagdag pa ni Vergel de Dios.