Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko na mag-ingat sa mga kumakalat na rewards scam na sinasabing galing sa malaking telecom company.

“There is nothing to cause for alarm, but as part of the protocol, we have recommended the blocking of the domain to avoid victimizing more customers. We also want to reiterate our appeal to the public to stop clicking links from unofficial sources in order to avoid being scammed,” sinabi ni CICC Executive Director Alexander Ramos.

Sinabi ni Ramos na ang domain, globeeph.top, ay naghahasik ng mga pangloloko sa mga customers sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga short message service o SMS.

Ang SMS ay karaniwang nagsasabi ng ganito: “The globe points service reminds you that your current points account (3,022 points) will expire today. Redeem your points as soon as possible: https://globeeph.top/i Please reply Y then exit SMS, open the SMS to activate the link again, or copy the link to the Safari browser and open it.”

Kapag nag- click sa domain na ito ay kailangang mabigay ng mga personal na detalye at bank account number para makakuha ng mga “puntos.”

Sinabi ni Ramos na mag-ingat at agad na i-block ang domain na ito pati na din ang mga numero na nanggagaling sa mga hindi kilala.

Nagbabala ang anti-fraud network, Gogolook, na ang globeph.top ay kabilang na sa mga “dangerous links.” “High -risk content detected. Do not click. The URL may contain security issues and attempt to phish for your personal info and money,” ayon sa Gogolook URL Scan.