Personal na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “Sumbong sa Pangulo” website kung saan makikita ang listahan ng mga flood control projects sa bansa.

Sa press conference sa Palasyo ngayong Lunes, Agosto 11, iprinisinta ni Pangulong Marcos Jr. ang website na magsisilbing check and balance ng gobyerno.

Kinuwestiyun ng pangulo kung bakit ang 20 porsyento sa P545 bilyong budget para sa flood control projects ay ibinigay sa 15 contractors lamang.

Nabuking din ni Pangulong Marcos na may mga multiple projects na magkakapareho ang eksaktong halaga gayung gagawin ito sa iba’t ibang lugar.

“That’s something we have to dig deeper to,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tiniyak pa ni Pangulong Marcos na siya mismo ang personal na magbabasa sa report ng taumbayan.

Ulat ni Chona Yu