Sinabi ni Peachy Paderna, public policy manager ng TikTok Philippines, sa ginanap na Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality hearing noong Huwebes, Setyembre 4, na nasa 21 milyon na TikTok videos mula Abril 2024 hanggang Mayo 2025 ang kanilang tinanggal dahil sa community guidelines violations.

“April 2024 to May 2025, we took down 21 million videos here in the Philippines alone that violated all community guidelines. Of that 21 million, 99.7%, I believe, was proactively removed,” saad ni Paderna.

Aniya, ang mga video na ito ay naglalaman umano ng nvdity and s3xual material, @buse, at exploitat!on na kanilang inaalis “right away” sinuman ang nag-report nito.

Nasa 99.7 porsyento umano ng 21 milyon na videos ang “proactively removed” na nangangahulugang inaalis ng Tiktok ang isang video kahit na hindi ito ini-report basta’t ito ay nakita ng kanilang team na labag sa community guidelines ng naturang social media platform.

Idinagdag pa ni Paderna na 99.4 na porsyento ng mga video na “proactively removed” ay inalis sa loob ng 24 na oras.

Ulat ni Ansherina Baes