Puspusan na ang isinasagawang pagmanman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga social media pages at websites na nagre-recruit ng mga Pinoy para sa mga military organization.
“Mayroong mga websites na nagsasabing sila ay lehitimong organisasyon pero talagang nire-recruit nila ay may bachelor’s degree, nagsilbi sa military, at they have to be analysts,” ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy.
“When you check, sasabihin nila ‘they are organizations from the west – European or American,” sabi ni Dy sa panayam ng DZBB ngayong Biyernes, Abril 5.
“Subalit ko susuriing mabuti ang domain name ng website ng mga nagre-recruit, makikita mo na naka-register ang company mula sa Chinese company,” paliwanag ng DICT official.
Aniya, noong pang Disyembre 2023 simulang nakatanggap ng ganitong impormasyon ang DICT kaya agad na ipinaalam nila ito sa Department of National Defense (DND) at mga intelligence communities ng pamahalaan.
“Ang advice natin, mag-ingat na lang yun mga military personnel nap u-puwedeng masilaw na mag-apply. Malamang hindi yun mga active personnel ang papasok sa mga ganyang organisasyon. Malamang yun mga either lumabas na or nag-retire na,” giit ni Dy.