Siyam na lugar sa bansa ang inaasahang makakaranas ng “danger” level ng heat index ngayong Lunes, Abril 8, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa pagtataya nito, sinabi ng PAGASA na ang mga sumusunod na lugar ay maaaring makaramdam ng pinakamataas na heat index na hanggang 46 degrees Celsius ngayong araw:
•Daet, Camarines Norte: 46°C
•Cotabato City, Maguindanao: 44°C
•Aparri, Cagayan: 43°C
•Tuguegarao City, Cagayan: 42°C
•San Jose, Occidental Mindoro: 42°C
•Puerto Princesa City, Palawan: 42°C
•Aborlan, Palawan: 42°C
•CBSUA in Pili, Camarines Sur: 42°C
•Roxas City, Capiz: 42°C
Maaaring makaranas ng heat cramps, exhaustion at heat stroke sa mga lugar na may heat index mula 42 hanggang 51 degrees Celsius.