Naging matagumpay ang kauna-unahang medical mission na sponsored ng actor-public servant na si Alfred Vargas sa Lagro Hilltop Covered Court nitong Sabado, Abril 6, kung saan libre ang laboratory tests, therapy, eye checkup, warts removal, at mga gamot at vitamins para sa mga residente.
Ito ang kauna-unahang sponsored medical mission—tinatawag na PMAV (Pamilyang Matatag Aksyon Vargas) na isinagawa ni Alfred Vargas sa District 5 Quezon City, kasama ang kapatid na si Rep. PM Vargas, kung saan nalibre ang mga residente sa sari-saring medical services, kabilang ang CBC, ECG, urinalysis, at iba pa.
Mayroon ding libreng eye checkup at reading glasses, bunot ng ngipin, pag-aalis ng kulugo, therapy, gamot at vitamins, at nagbukas din ng booth para sa mga nangangailangan ng guarantee letter mula sa tanggapan ng magkapatid na public servant.