Ipinagpaliban ang pagpapatupad ng modified work schedule ng workers sa local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) sa Mayo 2, sinabi ng Metro Manila Council (MMC) ngayong Biyernes, Abril 12.
“Napagkasunduan po natin na yung inilunsad po na magiging 7 a.m. to 4 p.m. work schedule sa mga LGUs dito po sa Metro Manila, ito po ay sisimulan na natin sa May 2 na po,” sabi ni MMC president aT San Juan City Mayor Francis Zamora.
Sa isang press conference, sinabi ng MMC president at San Juan City Mayor Francis Zamora na nagpasya ang konseho na i-resked sa Mayo 2, ang pagpapatupad sa Abril 15 upang bigyan ng mas maraming oras ang mga LGU at ang publiko na maghanda.
Layunin ng modified working hours na maibsan ang matinding traffic tuwing rush hour sa Metro Manila.
Ayon kay Zamora, may kabuuang 112,000 empleyado ang NCR LGUs.